-- Advertisements --

Nangako ang US at China na kanilang pahuhupain na ang namuong tensiyon ng dalawang bansa.

Ito ang naging kasunduan ng magpulong personal sina US Secretary of State Antony Blinken at Chinese President Xi Jinping.

Sinabi ni Blinken na bukas ang dalawang panig para sa masusing pag-uusap.

Aminado ito na may ilang bagay na hindi nila pag-uunawaan pero kanila rin ito ng naayos agad.

Magugunitang si Blinken lamang ang mataas na opisyal ng US na nakatunton muli sa China matapos ang limang taon.

Naantala ang kaniyang biyahe sa China na noon pa sanang Pebrero dahil sa isyu ng Chinese Spy Balloon.

Ayon pa kay Blinken na nangako ang China sa kanila na hindi nila susuportahan ang Russia sa paglaban nito sa Ukraine.