Ikinalugod ng Commission on Higher Education ang naging resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group na kung saan nakakuha ang komisyon ng mataas na trust rating.
Nakakuha ang CHED nga 82% na performance rating at 83% na trust rating sa naturang survey.
Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Secretary Popoy de Vera na ito ay resulta ng mga epektibong programa at mga serbisyo ng kanilang opisina.
Nakakuha ng matataas na trust rating ang CHED sa Mindanao na umabot sa 88% indisbilawa nag nagsabing kontento sila sa serbisyong komisyon.
Aabot naman sa 91% ang nakuha nitong tiwala sa kanilang mga pamamalakad.
Kaugnay nito, nangajo ang CHED na magpapatuloy ang pagtutulak nila ng mga accessible at equitable na higher education sa bawat mahihirap na Pilipino na gustong makapagtapos ng kolehiyo.
Samantala, bukod sa CHED nakakuha rin ng mataas na trust at performances rating ang Department of Education , Department of Public Works and Highways, Department of Health at Department of Social Welfare and Development.