-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nawasak ang century-old na krus na nakatirik sa dome ng St. Anne Parish sa Molo, Iloilo City matapos tamaan ng kidlat.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay JunJun Laroder, sakristan mayor ng nasabing parokya, sinabi nito na nakita na lamang nila ang pira-pirasong bahagi ng krus sa labas ng simbahan.

Ito ay kasunod ng malakas na ulan, kidlat at kulog sa lungsod ng Iloilo kahapon.

Ayon kay Laroder, palaisipan naman na hindi nagalaw o nasira ang mga anghel na gawa sa kahoy na nakalagay rin sa naturang dome.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng St. Anne Parish ang magiging abiso ng National Historical Commission kung paano maibalik ang krus sa parokya.