-- Advertisements --

Mistulang nagpapahiwatig na si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa malinaw na launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa London.

Ito’y matapos muli nitong banggitin ang tanyag na Madame Tussauds sa bagong online post nito, pero sikreto pa rin ang eksaktong petsa.

https://www.instagram.com/p/CAZvKMygSq8/

Una nang ibinunyag ng 26-year-old Bicolana-Australian beauty na tatlo sa kanyang paboritong Miss Universe glam moments ang kanyang inirekomenda para sa kanyang wax figure.

Papasinayaan muna ito sa Pilipinas bago irarampa sa Madame Tussauds museum sa Singapore, Bangkok, at huli sa Hong Kong.

Kung maaalala, si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pinakaunang Pinay na nabigyan ng wax statue sa Madame Tussauds noong 2018.

Pia wax with parents

Sa sumunod na taon naman ay isinali na rin ng Madame Tussauds Hong Kong sa kanilang “pool of Filipino wax figures” si Sen. Manny Pacquiao at nakatakdang ilabas ngayong taon.