-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang desisyon ng Vatican na i-renew ang provisional agreement sa China sa pagtalaga ng mga obispo.

Sinabi ni Tagle na ang kasunduan ay para matiyak ang balidong apostolic succession at sacraemntal nature ng Simbahang Katolika sa China.

Dahil dito ay matitiyak ang pagkakaroon ng pagbibinyag sa mga katoliko sa China.

Paliwanag pa nito na mayroong sariling kaparaanan ang Vatican sa pagrespeto sa representative ng gobyerno ng China kung saan hindi rin kinokonsinte ng Simbahan ang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa China.

Unang pinirmahan ang provisional agreement sa pagitan ng China at Vatican noong Setyembre 2018 at ito ay pinalawig ng hanggang Oktubre 2020 subalit hindi na isinapubliko ang termino ng nasabing kasunduan.

Si Tagle na itinalaga ng Santo Papa noong 2019 bilang namumuno ng Congregation for the Evangelization of Peoples ay nagsabing bukas ang Vatican sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng China na makakatulong para sa pagpapabuti ng Simbahan.