Naglabas ng pagkadismaya si Caloocan Bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) Vice President Pablo Virgilio David sa naging hakbang ng gobyerno na pagbabawal ng mga religious activities mula Marso 22 hanggang Abril 4.
Ayon kay David na bakit pinayagan din ng gobyerno ang pag-operate ng mga non-essential workers.
Kahit na nagpapatupad aniya ng mga simbahan ng mahigpit na protocols ay isinara pa rin sila kumpara sa pagbibigay ng 70% na capacity sa mga fitness centers at 50% sa mga personal care services gaya ng mga spa.
Hindi rin aniya nabigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na magdiwang ng Easter Sunday o ang araw ng pagkabuhay.
Hindi lamang ito ang unang beses na inireklamo ni David ang ginawang hakbang na ito ng gobyerno dahil noong nakaraang Setyembre ay nabigyan ng 30% capacity na mag-operate ang mga casino habang 10% lamang sa mga simbahah.