-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tinututukan sa ngayon ng Amerika ang gun control sa lahat ng kanilang estado kasunod ng serye ng mass shooting incident sa ilang lugar doon.

Ito ang kinumpirma ni Bombo International Correspondent Cha Murdock na nakapag-asawa ng Amerikano at ilang taon na ring naninirahan sa California, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal

Ayon kay Cha, daan-daan na ang kaso ng mass shooting sa Estados Unidos at dumarami pa ito dahil sa maluwag na gun control sa nasabing lugar.

Ang pinakahuling insidente sa San Jose California transit facility na nag-iwan ng siyam na patay kabilang ang isang Pilipino ay ang maituturing naman umanong kabilang sa Asian hate crimes.

Ito’y dahil sa pilini lamang ng suspek ang kaniyang pinagbabaril.

Sa katunayan, ang suspek na nagngangalang Samuel Cassidy ay nakabisita pa raw pala sa Pilipinas bago ang pandemic dahil sa karelasyong Pinay.

Dagdag pa ni Cha, dahil dito kaya unti-unting ipinapatupad ni US President Joe Biden ang gun control.