-- Advertisements --

Tinupad ni Caleb Plant ang kanyang pangakong turuan ng leksyon si Mikee Lee sa kanilang naging super middleweight title fight sa undercard ng Manny Pacquiao-Keith bout sa MGM Grand Arena.

Sa unang round pa lang ay pinabagsak na ni Plant si Lee at dalawang beses pang pinayuko ito sa lona.

Inihinto ng referee na si Robert Byrd ang scheduled 12-round, 168-pound championship match sa huling 1:29 ng third round.

Ang knockout win na ito ng 27-anyos na si Plant (19-0, 11 KOs) ay ang siyang una rin niyang pagkakataon na madipensahan ang kanyang IBF super middleweight title.

Samantala, ito naman ang unang pagkakataon para sa 32-anyos na si Lee na matalo bilang isang professional boxer (21-1, 11 KOs).

Gayunman, labis ang kasiyahan ni Plant sa naging resulta ng kanilang laban ni Lee sapagkat nasunod ang kanyang naging plano.

“Absolutely. I’ve been you all week it wasn’t gonna go 12 rounds, and I stuck to my word and I tried to do that. I hope you guys had a good time,” ani Plant.