-- Advertisements --

Nagpaalala ngayon ang PNP sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong panahon na ng tag-ulan.

Kasunod pa rin ito ng pagbaligtad ng isang pampasaherong bus sa North Luzon Expressway (NLEX) na ikinamatay ng walong katao kagabi sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Col. Carlito Gaces, chief of police ng Valenzula PNP, mabilis ang patakbo ng Del Carmen bus sa south bound lane ng NLEX kayat nag-slow down ang SUV na nasa harapan ng bus.

Dahil sa bilis daw ng bus ay nabangga ng bus ang SUV kayat tumilapon ito sa gilid ng kalsada habang bumaligtad ang bus at tumilapon sa north bound bago tumama pa sa concrete barrier malapit sa Valenzuela Exit, Torres Bugallon, Northbound.

Agad namang dinala sa ospital ang mahigit na 30 pasahero sa MCU Hospital at Valenzuela General Hospital.

Nasa kritikal ngayong kondisyon ang konduktor ng bus habang ligtas naman ang driver.