-- Advertisements --
Tiniyak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na sapat ang naka-deploy na kanilang mga personnel sa mga paliparan lalo na’t palapit na ang Pasko.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay BI Spokesperson Dana Sandoval, sinabi nitong sa tuwing papalapit ang holiday season ay nagdadagdag sila ng mga tauhan ng Immigration sa mga paliparan dahil inaasahan na ang pagbuhos ng mga pasahero.
Aniya, matapos ang dalawang taon na mahigpit ang mga restrictions sa iba’t ibang bansa ay asahan daw na mas marami ngayon ang papasok at lalabas ng bansa dahil nagluwag na rin ang bansa ng restrictions.