Nakilahok ang Bureau of Customs sa 141st at 142nd World Customs Organization Council Meeting kung saan lumahok rin ang nasa 155 na bansang miyembro ng World Customs Organization.
Ginanap ang naturang pagpupulong sa World Customs Organization headquarters sa Brussels Belgium.
Ang Konseho, ang pinakamataas na katawan sa paggawa ng desisyon ng Organisasyon, ay regular na nagsasagawa ng mga taunang sesyon upang talakayin ang iba’t ibang isyu sa Customs na nakakaapekto sa lahat ng mga administrasyon.
Nag-aalok rin ito ng napapanahon at naaangkop na mga solusyon na maaaring gamitin ng mga miyembrong bansa.
Makabuluhan rin ang taong ito dahil ito ang tanda ng election para sa posisyon ng Secretary General at Chairperson ng Konseho, kung saan ang Pilipinas, bilang miyembro, ay may karapatang bumoto.
Ang WCO ay nag a-aasist sa mga administrasyon ng Customs sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng Technical, logistics at professional na support sa ibat-ibat mba nagtatrabaho na itinatag ng konseho.
Naghahatid din ito ng capacity building, Technical Assistance at trainings, at tumutulong rin ito upang ma develop at mapanatili ang international customs instruments at tools.
Kung maaalala, bilang paghahanda sa pagpupulong na ito ay una ng lumahok ang Bureau of Customs sa ika 24th World Customs Organization Asia Pacific Regional heads of Customs Administration Conference aa Perth Australia.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Customs Commissioner Rubio sa World Customs Organization sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng outgoing Secretary General nito na si Mikuriya at sa konsehong pinamumunuan naman ni Chairperson Ahmed Al Khalifa.
Binigyang-diin din ng Komisyoner ang kanyang Five-Point Priority Program na kilala rin bilang 5-PPP, na nakatutok sa pag-digitize ng mga proseso, pagpapasimple ng mga pamamaraan at pag-secure ng kalakalan, pagpapabuti ng koleksyon ng kita, pagsugpo sa smuggling sa lahat ng anyo, at pagpapasigla sa moral at pag-unlad ng mga empleyado.