-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kaya nilang maabot ang target sa dami ng bilang ng mga negosyante na lilipat na sa digital payment.

Noong nakaraang taon lamang kasi ay mayroon ng 42 percent ang pagtaas ng mga lumipat sa digital transactions.

Ayon sa BSP na nasa tamang landas na sila para makamit ang target na magkaroon ng mas maraming mga negosyo ang lumipat sa digital payment.

Ilan sa mga programa nila na patuloy nilang isinusulong ay ang Palengke QR kung saan sa bawat local government unit ay kanilang hinikayat na gumamit na ng digital payments sa pamimili sa mga palengke.