-- Advertisements --

Mahigpit na babantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung maipapatupad ng mga bangko ang ilang mga bagong panuntunan tungkol sa credit card.

Mula kasi nitong Nobyembre 3 ay epektibo na ang pagkakaroon ng cap ng credit card interest rates, finance charges at ilang mga fees.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, na ang interest o finance charg sa mga unpaid outstanding credit card balance ay hindi dapat lumagpas ng 24 percent kada taon o two percent lamang kada buwan.

Ang mga buwanang add-on rate sa mga credit card installment loans ay hindi na lalagpas ng 1 percent kada buwan at ang processing fee sa mga availment ng credit card cash advances ay hindi dapat lalagpas ng P200 kada transactions.

Layon ng nasabing bagong panuntunan ay para maisulong ang responsible credit card lending sa bansa.

Dahil dito ay mapapagaan ang financial burden ng mga consumers, kabilang na ang mga micro, small and medium business enterprises lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Kada anim na buwan ay pag-aaralan ng BSP ang mga rates and fees ng mga banko.

Lumalabas kasi na ang credit card interest o finance charges sa bansa ay mataas kumpara sa ilang mga bansa sa ASEAN.