-- Advertisements --

Napilitang hindi na ituloy ni Emma Raducanu ang kaniyang laban sa unang round ng Wuhan Open.

Ito ay matapos na nakaranas siya ng pagkahilo at pagtaas ng kaniyang blood pressure dahil sa init ng panahon.

Nasa kalagitnaan na ng ikalawang set laban kay Ann Li ng US kung saan lamang ang American tennis player 6-1, 4-1 ng napilitang itigil ng British player ang laro.

Agad na binigyan ng atensyon medikal ang 2021 US Open Champion na si Raducanu.

Dahil dito ay pasok na sa ikalawang round si Li kung saan makakaharap niya si Ekaterina Alexandrova ng Russia.