-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinimulan na ng Bureau of Customs ang imbestigasyon hinggil sa mga mga government officials na sangkot sa smuggling ng agricultural, fishery at meat products sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Agriculture Asst. Secretary Noel Reyes, sinabi na tumawag mismo sa kanila ang mga negosyante at humingi ng tulong upang masugpo ang nasabing problema na nagreresulta sa pagkalugi ng kanilang kita na umaabot sa bilyong piso.

Ayon kay Reyes, tiniyak mismo ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na hihigpitan nila ang monitoring at pagsusuri sa pag-angkat ng mga agricultural products sa posibleng paglabag ng Customs laws, rules, at regulations.

Pinayagan na rin anya ang Department of Agriculture na maka-access sa x-ray areas sa BoC upang matiyak ang full transparency sa inspection ng agricultural products at mahigpitan ang second border inspection.

Nilikha rin ang Technical Working Group upang sumuri at ma-update sa regulations at mga pamamaraan para sa paglilinis sa mga iniaangkat na agricultural commodities.