-- Advertisements --

Walang pagbabago sa schedule ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbiyahe sa Canada.

Ito ay sa kabila ng ikinasang surprise rally ng Iglesia ni Cristo sa Edsa kahapon.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, tuloy ang State visit ng Pangulo sa Vancouver,Canada sa July 1 hanggang 5.

Magkakaroon din ng business forums kung saan makikilala ng Pangulo ang mga Canadian investors upang hikayatin ang mas maraming pamumuhunan sa Pilipinas, lalo na sa IT, infrastructure, at energy sectors.

Ayon sa opisyal na pahayag, ito ang kauna-unahang state visit ng Pangulo ng Pilipinas sa Canada sa loob ng mahigit 10 taon, na nakikitang hakbang upang mas lalo pang palalimin ang matagal nang relasyon ng dalawang bansa.