Nagpositibo sa COVID-19 si Gayle Benson, ang may-ari ng National Football League team na na New Orleans Saints at ang New Orleans Pelicans sa NBA.
Kinumpirma ni Greg Bensel, vice president of communications and broadcasting ng naturang dalawang prangkisa, hindi naman nasa ospital si Benson at patuloy pa rin ang trabaho sa bahay nito.
Si Benson, 73, ang tumatayong nag-iisang may-ari ng dalawang team matapos na ang kanyang mister na si Tom Benson ay pumanaw noong March ng taong 2018.
Kung maalala ang Pelicans ay agarang natanggal sa NBA return bubble sa Florida.
Sinibak na rin ang head coach na si Alvin Gentry.
Noon lamang buwan ng Marso nag-donate siya ng $1 million para itayo ang Community Assistance Fund para makatulong sa laban sa COVID-19 sa Orleans area.