Reading Time: 1 minute

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pananaksak ng isang inmate ng New Bilibid Prison sa isang opisyal ng Bureau of Corrections nitong umaga.

Lumutang ang ulat kasabay ng nagpapatuloy na hearing ng Senado hinggil sa good conduct time allowance (GCTA) at umano’t korupsyon sa loob ng Bilibid.

Agad isinugod sa Bilibid hospital ang biktimang kinilala na isang Correction Inspector Ferrer.

Kinilala naman ng Muntinlupa PNP ang salaring inmate na si Wilsyon Topic.

Batay sa ulat, na-diagnose ng schizephrenia noon si Topic kaya hiniwalay ito sa psychiatric ward.