-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Pumalo na sa pito ang patient under investigation (PUI) sa rehiyon Cordillera dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Dr. Amelita Pangilinan, regional director ng Department of Health-Cordillera, naitala ang pitong PUI sa rehiyon mula sa unang naitalang apat na PUI.

Samantala, masayang ibinalita ng ahensiya na negatibo sa coronavirus ang lahat ng pitong PUI sa Cordillera.

Sinabi ni Dr. Pangilinan na ang tatlong pinakhuling PUI ay kabilang ang isang English teacher na nagtrabaho sa China at dalawang domestic helper na isa sa kanila a mula sa Hong Kong.

Dagdag ni Pangilinan na umabot na sa 21 ang person under monitoring (PUM) sa Cordillera kung saan 12 sa mga ito ang patuloy na binabantayan at siyam naman ang cleared o malayo sa banta ng coronavirus.