-- Advertisements --
download 7

Iniulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (Campi) at Truck Manufacturers Association (TMA) ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan na naibenta nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.

Batay sa datus ng dalawang grupo, naitala ang hanggang sa 9.5% na pagtaas o katumbas ng kabuuang 38,628 na mga bagong sasakyan.

Ayon kay Campi President Rommel Gutierrez, ito na ang pinakamataas na sales performance sa kumpara sa iba pang mga buwan.

Pinakamarami sa mga naibentang sasakyan ay yaong mga commercial na umabot sa kabuuang 29,070 units.

Ito ay katumbas ng 76.26% ng mahigit 38,600 na naibentang units.

Mas mataas din ang bilang ngmag naibentang commercial vehicle nitong Setyembre ng hanggang sa 9.5% kumpara sa nakalipas na buwan.

Para sa mga Passenger cars, hawak nito ang 24.74% ng kabuuang naibentang units, o katumbas ng 9,558 units.

Positibo naman ang grupo na magtutuloy-tuloy ang magandang sales performance ng car industry sa Pilipinas, kasunod nito.