-- Advertisements --

Cebu City- Viral ngayon sa social media ang video ng isang biik na nakawala at binabaybay ang kalsada sa Cebu city na nagdulot naman ng traffic.

Sa kuha ng isang netizen na si Adnan Pacasum, makikitang hinahabol ng mga tao ang tumatakbong biik sa may bahagi ng underpass sa Banilad, Cebu City habang dahan-dahang nakasunod ang mga sasakyan.

Umani ito ng pansin sa mga drayber dahil sa bigla nitong paglitaw sa underpass sa gitna ng trapiko.

Umani ng sari saring mga komento at reaksyon sa mga netizens ang nangyari at di umano magpapahuli ang Cebu dahil kung matatandaan na may ostrich rin na nakawala sa parte ng Luzon.

May iba pang naghuhulaan kung ano na namang hayop ang susunod na makawala sa bahagi ng Mindanao o kung saang parte na naman sa bansa ang may makawalang hayop.