-- Advertisements --

ILOILO CITY – Arestado sa Calinog, Iloilo ang dalawa sa apat na bigtime holdaper na tumangay ng higit P1.5 million na cash mula sa empleyado ng isang hardware.

Nangyari ang insidente sa Barangay Agdahon, Passi City sa Lalawigan ng Iloilo.

Ang mga arestado ay sina Carlos Alcarde, at Adrian Pineda, pawang residente ng Calinog, at nadakip rin sa nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Lt. Col. Dennis Pamonag, hepe ng Passi City Police Station, sinabi nito na natukoy ang mga suspek sa mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera.

Lumabas rin sa imbestigasyon na empleyado rin si Pineda ng hardware store.

Inamin naman ng mga naaresto na ginamit nila ang pera sa e-sabong.