-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni US President Joe Biden matapos ang muling pagpositibo nito sa COVID-19 habang naka-isolate.
Tinatawag naman ng kaniyang mga doktor na isang uri ng “rebound” case ang nangyari sa US President na nagpositibo muli habang naka-isolate.
Ang nasabing kaso ay nakikita sa maliit na porsyento ng mga pasyente na gumagamit ng anti-viral drugs na Paxlovid.
Ayon kay Dr. Kevin O’Connor na patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa kalusugan ni Biden.
Unang nagposiitbo sa COVID-19 ang 79-anyos na si Biden noong July 21 kung saang naging katamtaman lamang ang sintomas na kaniyang nararamdaman.
Dahil sa pagpositibo nito ay kinansela niya ang kaniyang mga trips pero patuloy ang kaniyang pagtatrabaho habang naka-isolate.