-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon, direkta nang tinukoy ni Binibining Pilipinas Universe 2009 Bianca Manalo ang estado ng relasyon nila ni Senator Sherwin Gatchalian.

Ito’y sa pamamagitan ng pag-post ng sweet photo nila ng 45-year-old senator kasabay ng kanilang first anniversary.

Sa naturang larawan, magka-holding hands ang 31-year-old beauty queen turned actress at si Gatchalian with matching caption na “Imagine being loved the way you love.”

Nobyembre ng nakaraang taon nang unang mamataan sa publiko na magkasama ang dalawa.

Noong nakaraang buwan naman nang ibahagi ni Manalo ang larawan nila ng senador ngunit walang anumang kumpirmasyon.