-- Advertisements --
“Love is in the air” pa rin para kina Binibining Pilipinas Universe 2009 Bianca Manalo at Senator Sherwin Gatchalian para sa kanilang second anniversary bilang magkasintahan.
Kaugnay nito, ibinida ng 32-year-old beauty queen turned actress ang dambuhalang bouquet of roses na regalo sa kanya ng 46-year-old senator.
Nag-post din si Manalo bilang bahagi ng anniversary greeting ng larawan nilang dalawa habang nasa beach kung saan yakap niya ang senador.
Kung maaalala, Nobyembre rin noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Bianca ang relasyon nila ni Gatchalian kasabay ng kanilang first anniversary.
Sa panig ng senador, inilarawan nito na seryoso ang pagdi-date nila ng beauty queen at ipinagdarasal na magtagal.