-- Advertisements --

Mabilis na pinapaalis ng Bureau of Immigrations (BI) ang mga dayuhan na pinagbawalang makapasok sa bansa dahil sa iba’t-ibang kasong kinakaharap.

Sinabi ni Immigration deputy spokesperson Melvin Mabulac, na ang hakbang ay para hindi na sila magsikisikan sa transit lounge area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Dagdag pa nito na ipinapasakay ang mga ito sa available na eroplanong pabalik sa kanilang bansa matapos ma-deny ang kanilang entry para hindi na sila maghintay ng matagal.

Noong nakaraang taon ay nasa 3,300 na pasahero ang na-deny na makapasok sa bansa dahil sa mga iba’t-ibang kasong kinakaharap mula sa bansang pinagmulan.