-- Advertisements --

Napabalik tanaw si Yasmien Kurdi noong sa Lebanon pa nakatira.

Ito’y kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Lebanon noong nakaraang linggo kung saan may mga Pinoy na nasawi at nasugatan.

Nabatid na half-Lebanese si Yasmien sa pamamagitan ng kanyang ama na ngayon ay sa Kuwait na nakatira.

Two years old pa lang daw siya nang umalis sa Lebanon kasabay ng pagbalik sa Pilipinas ng kanyang ina.

Una nang umapela ng dasal ang ngayo’y 31-year-old actress para sa kinaharap na trahedya ng Lebanon.