-- Advertisements --

LA UNION – Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Burgos, La Union bandang alas-3:25 ng hapon, Enero 3, 2021.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naitala ang pagyanig sa layong 6 km hilaga sa bayan ng Burgos.

May lalim na 15 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.