-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis.

Nitong ala-6 ng umaga ng Martes ng ipatupad ang P0.75 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding P0.90 na kada litro na bawas presyo sa diesel.

Habang ang kerosene ay nagpatupad ng P1.05 na kada litro na bawas.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero na ang dahilan ng nasabing bawas presyo ay ang pagbawas ng tension sa pagitan ng Hamas at Israel.