-- Advertisements --

Pumanaw na ang veteran choreographer na si Anna Feliciano, 65, na kilala sa kanyang masiglang mga pagtatanghal sa noo’y sikat na noontime show ni Willie Revillame.

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang balita sa social media noong Huwebes, Oktubre 23.

Ayon sa kanyang anak na si April Feliciano, “Let’s celebrate Mama Anna’s life together as we share stories of how she touched lives on a deeper level.”

Ginanap ang wake ng yumaong choreographer sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth, Quezon City, kahapon, Oktubre 25, na may viewing simula ala-1 ng hapon at necrological service sa ganap na alas-7 ng gabi.

Hindi pa isinasapubliko ng pamilya ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Bagama’t ipinahayag naman ng kanyang apo at ng mga kaibigan sa industriya ang pasasalamat sa pagmamahal at dedikasyon ni Feliciano, pati na rin ang kanyang kontribusyon sa telebisyon.

Kaugnay nito ang “Wowowin” team ay nagbigay pugay naman sa kanya bilang isa sa mga creative forces ng programa, at nagpaabot ng mensahe na: “Mahal na mahal ka namin, Anna Feliciano!”