-- Advertisements --

Lumawak pa ang mga apektado ng ulan at posibleng bahain o makaranas ng pagguho ng lupa dahil sa binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa ulat ng Pagasa, ramdam na sa Bicol region ang namumuong sama ng panahon at umaabot pa ang kalat-kalat na pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas at Quezon.

Habang malaki rin ang tyansa ng pag-ulan sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon dahil sa thunderstorm clouds.

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 65 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Nananatili namang maliit ang posibilidad na lumakas pa ito bilang bagyo dahil malapit na ito sa kalupaan ng Bicol region.