-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Mismong alkalde ng Baguio City ang nagpaalala sa mga residente nito hinggil sa isang heneral umano kapalit ng pekeng land deals sa siyudad.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, isang Joel Mayol ang nagpapakilalang opisyal at nag-aalok ng lupa kapalit ng salapi.
Nakatanggap umano ng ulat ang mayor na may mga biktima si Mayol mula sa Quezon province at Bicol regional, kung saan kabilang ang ilang uniformed personnel ng gobyerno.
Pinaiimbestigahan na raw ni Magalong ang ulat sa mga otoridad matapos maitala ang ilang kaso ng pambibiktima ni Mayol sa Brgy. Irisan, Loakan, at Tuba, Benguet.