-- Advertisements --
Plano ngayon ng Manila International Airport Consortium na doblehin ang declared capacity ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay kapag natapos na ang multi-phased masterplan na nagkakahalaga ng P267 bilyon.
Base sa NAIA masterplan na mayroong 3 phase ang nasabing proyekto na kaya ang 70 milyon na pasahero kada taon.
Kapag naisakatuparan na aniya ang plano ay magkakaroon ng magandang karanasan ang mga pasahero na magtutungo sa NAIA.
Ang 25-year concession agreement ay nakatakdang aprubahan pa ng Manila International Airport Authority.