Nanguna si Sharifa Akeel ng Sultan Kudarat sa pagbati sa kanyang successor bilang pambato ng bansa sa Miss Asia Pacific International ngayong taon.
Nag-post ito ng larawan habang kinokoronahan si Klyza Castro ng Davao City with matching caption na hangad nitong mapanatili ni Castro ang mga katangian bilang Mutya.
Ito’y isang araw matapos ang coronation night na isinagawa sa Pasay City.
Nabatid na target ng Davaoeña beauty queen na maibigay ang back to back win ni Sharifa o ang pang-anim na Miss Asia Pacific International para sa bansa.
Samantala, wagi rin sina April Short ng Zamboanga City bilang Mutya Pilipinas 2019 World Top Model, gayundin si Tyra Goldman ng Nevada bilang Mutya Pilipinas 2019 Tourism International, at Louise Janica Arroyo An ng California bilang Mutya Pilipinas Overseas Communities.
Kabilang pa sa mga Pinay na nakasungkit sa nasabing beauty pageant title ay sina Maria del Carmen Ines Zaragoza (1982), Gloria Dimayacyac (1983), Lorna Legaspi (1989), at Michelle Aldana (1993).
Ang Mutya Pilipinas ay dating Mutya ng Pilipinas. (front photo: @mutyapilipinasofficial IG)