DAGUPAN CITY – Nag-abiso na rin ang Binmaley Agriculture Office na isasailalim sa surveillance ang iba pang backyard hog raisers sa Barangay Linoc matapos na magpositibo sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang 21 baboy na pagmamay-ari ni Marcelino Abalos.
Ayon kay Binmaley Agriculturist Fernando Ferrer, sa inilabas na resulta ngayong araw mula sa 33 blood samples ng mga baboy, 21 dito ang nagpositibo sa ASF.
Pero hindi na muna nagpatupad ng 1-7-10 protocol sa naturang barangay dahil nagsasagwa naman umano ng strict surveillance at sinisugurong walang pinapalabas na mga baboy.
Samantala, tatanggap ng P1,000 mula sa munisipyo ang mga apektadong hog raisers sa kada isang baboy na papatayin dahil sa ASF.
Bukod dito, magbibigay din ang provincial government ng P1,000 at karagdagang P5,000 naman mula sa Department of Agriculture.
Base sa isinagawang survey noong nakaraang linggo, napag-alaman na nasa kabuuang 300 ang populasyon ng baboy sa Barangay Linoc.