-- Advertisements --
Papayagan na ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ang paggamit ng motorsiklo para sa mga mag-asawa bilang backrider.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, tugon ito sa kahilingan ng marami na maihatid ang kanilang asawa sa trabaho, grocery o iba pang lugar na pangunahing kailangan ng kanilang pamilya.
Pero may tagubilin ang IATF para sa paglalagay ng pangharang, hawakan, paggamit ng face shield, face mask at ang regular na motor rider protection, tulad ng helmet at iba pang gear.
Isa sa modelo ng ganitong setup ang ginawang disenyo ni Bohol Gov. Arthur Yap.
Nilinaw din ni Año na hindi ito pwede sa commercial riders na ginagawang pampasada ang kanilang motorsiklo.