-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang isang babae matapos saksakin ng kanyang live-in partner sa Sitio Balagon, Brgy. Badiang, Anilao, Iloilo.
Ang biktima ay si Marlyn Powden, 31, habang ang suspek ay si Federico Soliz, 49 at pawang myembro ng Aeta Community.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Jersey Besas, hepe ng Anilao Municipal Police Station, sinabi nito na nagdududa ang suspek na may textmate ang kanyang live-in partner.
Nang nagkasagutan, sinaksak ni Soliz si Powden sa tagiliran gamit ang 10 pulgada na patalim.
Nahuli naman ang suspek matapos ang kanyang pagtatago sa Brgy. Tuburan, Pototan, Iloilo.
Napag-alaman na may tatlong anak ang mag-live-in parter.
Sa ngayon, nahaharap sa kasong murder ang suspek.