-- Advertisements --

Suportado ni National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling kanselahin ang peace talks sa CPP-NPA.

Magugunitang dahil sa patuloy na pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng pamahalaan kahit sa panahon ng COVID-19 pandemic, inihayag ni Pangulong Duterte kagabi na hindi na siya interesadong kausapin ang mga rebeldeng komunista.

Sinabi ni Sec. Esperon, may ilang sundalo na ang napatay sa pananambang ng mga rebelde habang namamahagi ng relief goods at tulong ang tropa ng pamahalaan sa mga apektadong mamamayan.

Ayon kay Sec. Esperon, lumalabas talaga ang tulay na kulay at intensyon ng mga rebelde sa mga ganitong karahasan.

Inihayag ni Sec. Esperon na ang tanging hangad naman talaga ng mga rebelde ay sila ang mamumuno sa gobyerno.