Sinimulan na ng AstraZeneca at University of Oxford na pag-aralan kung epektibo ang kanilang “modified vaccine” kontra Beta variant na unang nagmula sa South Africa.
Ang nasabing trial ay sasalihan ng 2,250 participants mula sa Britain, South Africa, Brazil at Poland.
Isinali rin nila sa trial ang mga tao na fully vaccinated na sa AstraZeneca vaccine at Pfizer vaccine.
Ang bakuna na tinawag na AZD2816 ay dinisenyo gamit ang parehong base tulad ng pangunahing shot ng AstraZeneca ngunit may mga minor genetic alterations batay sa variant ng Beta.
Sinabi ni Andrew Pollard, chief investigator at irector ng Oxford Vaccine Group at the University of Oxford na mahalaga ang testing booster doses sa mga existing vaccines at bagong variant ng bakuna upang matiyak na mas handa sila laban sa COVID-19 pandemic lalong-lalo na kung kinakailangan ang paggamit nito.
Napag-alaman na naging matagumpay ang programa ng Britain sa paglabas ng bakuna, ngunit hindi alam ng mga eksperto kung gaano katagal ang proteksyon nito.