-- Advertisements --
Inamin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang pagkakaroon ng kawalan ng trabaho dahil sa Artificial Intelligence (AI) technology.
Bagamat hindi na mapigilan ng ahensiya ang paglago ng teknolohiya ay mararapat na paghandaan na lamang ang epekto nito.
Giit nito na bawat pagbabago ng teknolohiya ay maaring ang epekto ay ang pagkakalipat ng ilang mga manggagawa na dapat rin ay mahalagang paghandaan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang opisina sa iba’t-ibang mga ahensiya para malaman kung paano maipapatupad ang nasabing makabagong teknolohiya.