-- Advertisements --

Looking forward si Arci Muñoz sa mga pagdadaanan pa nitong mas mabibigat na pagsubok sa Philippine Air Force (PAF).

Ito’y kasunod ng kanyang promotion mula sa basic military training kung saan isa na siyang reserve sergeant.

Una nang nag-trending ang 31-year-old actress sa pagbigay pugay nito sa kanyang combat shoes, na kanya raw magiging paborito habambuhay dahil tinuruan siyang masaktan bunsod ng makapal na paltos sa paa pero siya ring nagpatatag sa kanya.

Nabatid na “vocal” si Sergeant Arci o Ramona Cecilia Datuin Muñoz sa tunay na buhay, sa paghikayat sa mga kababaihan na mag-training sa army reserve force.

Kabilang pa sa mga local stars na sumasailalim sa military training ay sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, at turned beauty queen na si “Winwyn” Marquez.

Kung maaalala, nitong Hunyo naman ay ipinagmalaki ng aktor na si Wendell Ramos ang pagiging certified member ng ABP (Ang Bumbero ng Pilipinas) bagama’t aminadong marami pa rin siyang dapat na matutunan at maranasan.