-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment kay Aimee Ferolino-Ampoloquio bilang commissioner ng Commission on Election (Comelec).

Bago ang plenary session ng CA, nagpulong ang Committee on Cosntitutional Commissions and Officers nila at inirekomenda ang approval appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Ampoloquio sa poll body.

Sa pagdinig ng CA, ginisa si Ampoloquio sa updates hinggil sa voter registration para sa 2022 polls, sa kanyang pananaw sa proposed hybrid elections at kung anong mga batas ang kailangan na maipasa ng Kongreso para mapagpabuti ang polisiya ng Comelec.

Sinabi ni Ampoloquio na kailangan nang magkaroon ng reporma sa campaign rules sa bansa.

Si Ampoloquio ay unang pumasok sa Comlec bilang emergency laborer noong 1994 at naging election assistant sa loob ng 12 taon, bago siya itinalaga ni Duterte bilang Comelec commission noong Nobyembre 26, 2020.