-- Advertisements --

Nagsimula na ang Judicial and Bar Council (JBC) sa pagtanggap ng aplikasyon ng mga nagnanais na maging susunod na associate justice ng Korte Suprema.

Ito ay para sa babakantehing puwesto nina Associate Justice Francis Jardeleza na magreretiro sa September 26 at Senior Associate Justice Antonio Carpio sa October 26, 2019.

Ayon sa JBC, ang mga aplikante ay maaring magsumite ng mga requirements sa second floor ng Centennial Building ng Supreme Court (SC) sa Padre Faura, Maynila.

Ang mga aplikasyon ay puwedeng isumite hanggang alas-4:30 ng hapon ng July 30, 2019.