-- Advertisements --

Arestado ang apat na Koreano matapos gumawa ng eksena sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nakulong ang mga dayuhan na may edad 29 hanggang 33 sa kasong charges of alarm at scandal and disobedience to persons in authority.

Nag-away ang apat na lasing sa parking lot ng isang restobar sa kanto ng 7th Avenue at 28th street sa Barangay Fort Bonifacio dakong alas-2 ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, hindi tumigil ang mga suspek nang sinubukan silang patahimikin ng mga pulis at security guard.

Inaresto ng mga otoridad ang mga dayuhan at dinala sa police station upang imbestigahan.