-- Advertisements --

Bakas ang excitement ni Anne Curtis sa pag-anunsyo na “mini me” nito o babae ang magiging panganay nila ng celebrity husband na si Erwan Heussaff.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang online post kung saan nakahawak ito sa kanyang tiyan with matching caption na “mini me.”

Sinasabing sa March 2020 nakatakdang magsilang ang 34-year-old actress.

Noong nakaraang buwan nang ianunsyo ng celebrity couple na sila ay magkakaroon na ng tsikiting sa pamamagitan ng special video

Taong 2017 nang ikasal si Anne sa blogger/restaurateur sa pamamagitan ng engrandeng private ceremony sa New Zealand.