Nilinaw ni Angel Locsin na pansamantala lamang itong titigil sa kanyang acting career.
Ito’y kasunod ng pahayag ng 34-year-old actress na magkakaroon siya ng “break” para sa paghahanda sa kasal nila ng TV/film producer na si Neil Arce.
Nabatid na patapos na ang kinatatampukan nitong action teleserye pero mayroon pa aniya siyang apat na gagawing pelikula.
Nitong Hunyo nang ianunsyo nina Angel at Neil ang nakatakdang pag-iisang dibdib ngunit wala pang malinaw na detalye gaya sa lugar.
Gayunman, target ng future husband and wife na sa susunod na taon isagawa ang kasal at si Kris Aquino ang pinakaunang nagkumpirma na isa siya sa mga ninang.
Nabatid na February 2018 lamang nagsimula ang love story ng dalawa pero magkaibigan na raw sa loob ng pitong taon.
Bago si Locsin, galing si Arce sa five year relationship sa aktres na si Bela Padilla.