-- Advertisements --

Hindi na umano mapapalampas ni Angel Locsin ang kakaibang lebel ngayon ng pag-ugnay sa kanya sa New People’s Army (NPA) o sa ano pang teroristang grupo.

Ayon sa 35-year-old actress, hindi porke magkaiba ng paniniwala sa isang isyu sa bansa ay maaari na siyang i-red tag o ‘yaong pag-label sa kanya bilang kasapi ng NPA.

Sanay naman aniya siya sa mga pag-atake sa tuwing ipinapahayag ang opinyon at advocacy, pero ibang usapan na kapag dawit na ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Biro pa ng fiancee ni Neil Arce, huwag nang suportahan ang red tagging, bagkus ay idaan na lamang ang kontgrobersya sa paglalagay ng red lipstick.

https://www.instagram.com/p/CGqvkIelEvq/

Cat red 2

Sa panig naman ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray, tila idinaan ng mga ito sa animation ang sagot sa akusasyon ng military official na miyemro ng NPA.

Una nang pumalag ang kampo ni Liza Soberano sa pagsasabing nananatiling apolitical o walang interes sa polita ang 22-year-old actress.

Ugat ng pagbanta sa kanila ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay matapos makiisa sa online talk ng Gabriela Youth.

Sa pamamagitan ng IG story, ginamit ang apelyido nito na Gray na mas may impact daw sa kulay red na tumutukoy sa kanyang pagiging bagong ambassador ng Philippine Red Cross.