Nagtanghal ang Filipina Singer o mas kilala na Miss Saigon na si Leah Salonga.
Kasama nito ang Tabernacle choir sa isa sa tatlong gabing Christmas concert ng grupo sa Salt Lake City sa Utah.
Halos libu-libo ang tao sa Temple square, at nagperform ng ang singer ng mga kantang “Gloria in Excelsis Deo” “it’s the most wonderful time of the year”.”Sleigh Ride”. “I’ll be home for christmas at “Oh holy Gabi” at marami pang iba.
Kinanta rin ni Lea Salonga ang kantang Filipino na “Payapang Daigdig,” matapos pag-usapan kung gaano ka-espesyal ang Pasko sa Pilipinas.
Ayon sa kanya ito raw ang isang bagay na na-miss niya dahil matagal tagal na rin mula nang magkaroon ng pagtitipon ang mga tao at makiisa sa mga live music.
Nagsalita rin siya tungkol sa pagtatanghal kasama ang Tabernacle Choir na mayroong 360-members koro ng kalalakihan at kababaihan.
Lubos naman ang galak ng singer dahil na rin sa mga nakasama sa entablado na talaga namang full level ang performance. (report from Bombo Chill Emprido)