Mananatili umano ang respeto ni Andrea Torres sa pinagsamahan nila ng kapwa artistang si Derek Ramsay.
Ito’y kasabay ng kanyang pagsasalita sa unang pagkakataon, ilang araw matapos unang mapaulat ang kanilang break up.
Ayon sa 30-year-old actress, mas nais nitong maging pribado na lamang ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang halos isang taon pa lamang nila na pagiging magkasintahan gayong napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
Sa ngayon ay hangad daw nito ang ikakabuti ng 43-year-old actor, gayundin ng pamilya nito.
“Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship,” saad nito sa kinabibilangang Kapuso Network.
“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well.”
Sa panig ni Derek, una na nitong pinabulaanan ang isyu ng third party kung saan dawit ang pangalan ng “Concert Queen” na si Pops Fernandez.