-- Advertisements --
Inaabangan na ang performance ng American rock band na Saosin dito sa Pilipinas.
Matatandaan na nagsimula ang Saosin sa Orange county, California noong 2003 at naglabas ng tatlong studio album at walong single na kanta.
Ang unang single ng grupo na Voices,” ay nakalista sa “Top 46 post-hardcore songs of the 2000s” at ang pangalawang single na “You’re Not Alone” ay nakalista sa Top 10 Essential Emo Power Ballads sa Alternative Press.
Inaabangan naman ng kanilang mga fans ang pagdating ng banda sa bansa sa susunod na taon.